BJMP Quezon City Jail - Male Dormitory
β¨π°ππ-128 ππ π¨ππππππππππ ππ π·πππππππππππ ππ π²πππππππ ππ π·ππππππππ π΅π
Nakibahagi ang Quezon City JailβMale Dormitory sa pagdiriwang ng ika-128 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas bilang pagpupugay sa mga bayaning nagsakripisyo para sa ating kasarinlan. Nawaβy magsilbi itong paalala na ang tunay na kalayaan ay kaakibat ng pananagutan, pagkakaisa, at patuloy na pagsisikap para sa mas maunlad na kinabukasan para sa lahat.
BLOG POSTEVENTS
6/12/20262 min read



Nakibahagi ang Quezon City Jail Male Dormitory sa pagdiriwang ng Ika-128 na Anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas sa Quezon City Hall sa pangunguna ng City Jail Warden, JSUPT MARIA LOURDES P PACION RPh.
Sa pangunguna ni Hon. Ma. Josefina Joy Belmonte, nagsimula ang programa sa pagtataas ng watawat ng Pilipinas at pag-awit ng Lupang Hinirang, na sinundan ng pag-aalay ng bulaklak bilang pagpupugay sa mga bayaning nag-alay ng kanilang buhay para sa kalayaan ng bansa.
Tampok sa programa si Michael Charleston βXiaoβ Chua, isang kilalang historyador, propesor, mananaliksik, at tagapagtaguyod ng kasaysayang Pilipino. Sa kanyang talumpati, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng kalayaan at kasarinlan, at ipinaalala na ang tunay na kalayaan ay higit pa sa pagiging malaya bilang isang bansa. Aniya, ang kasarinlan ay higit na nararamdaman kapag may kaginhawaan, oportunidad, at maayos na pamumuhay ang mamamayan.
Sa paggunita sa Araw ng Kalayaan, nawaβy magsilbi itong paalala na ang kalayaang tinatamasa natin ngayon ay bunga ng sakripisyo ng mga nauna sa atin at isang pananagutang dapat pangalagaan para sa mga susunod na henerasyon.


















CONTACT US
Address
Payatas Road, Quezon City Metro Manila, Philippines
Contact #:
Records Unit: 09360514244
Trunkline Number: (02) 8282 7483
Email Address:
ncr.quezoncjmd@bjmp.gov.ph
Bureau of Jail Management and Penology Office Links
Online Services
Downloads
Linked Agencies


