BJMP Quezon City Jail - Male Dormitory
π©π¨π΅π¨π³ π΅π¨ π΄π°πΊπ¨: π·πππ ππ π°ππ-πππππππππππ π³πππππ ππ π²πππππππππ π·ππππππ (π°π°) ππΏ
β€οΈβπ₯"Sa gitna ng pagsubok, pagtitiwala sa Panginoon ang tapang at gabay, para sa pag-asang kalayaan sa hinaharap."β¨
BLOG POSTEVENTS
8/8/20261 min read



Sa ilalim ng pamumuno ni JSUPT MARIA LOURDES P PACION, Punong Tagapamahala ng Piitan (City Jail Warden), ang mga kawani ng Development Unit ng Quezon City Jail-Male Dormitory ay pinangunahan ang Banal na Misa ng dalawang-daan at anim-napong (260) persons deprived of liberty (PDL) sa Agoho, Activity Area, kaugnay ng Paggunita kay San Ignacio de Loyola, sa βIka-labinwalong Linggo sa Karaniwang Panahon (II).β
Ang Pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya ay pinangunahan ni FR. JOHN S. CASTILLO, FDP, Kura Paroko ng Mother of Divine Providence, kasama ang mga representante mula sa Caritas, Restorative Justice Ministry (RJM), Diyosesis ng Novaliches. Sa kanyang homilya, hinimok ni FR. CASTILLO ang mga PDL na manatiling matatag at yakapin ang pagbabago, paigtingin ang kanilang pananampalataya sa Diyos, at patuloy na humingi ng Kanyang gabay at pagpapala sa kanilang patuloy na paglalakbay tungo sa personal na pagbabagong-buhay at rehabilitasyon.
Dumalo rin sa aktibidad ang iba pang personalidad mula sa RJM, Caritas β Diyosesis ng Novaliches, at namahagi ng simpleng pagsasaluhan para sa mga PDL pagkatapos ng Banal na Misa, na naghatid hindi lamang ng saya ng pasasalamat, kundi maging ng mensahe ng pakikiramay at pag-asa.
"Sa gitna ng pagsubok, pagtitiwala sa Panginoon ang tapang at gabay, para sa pag-asang kalayaan sa hinaharap."






CONTACT US
Address
Payatas Road, Quezon City Metro Manila, Philippines
Contact #:
Records Unit: 09360514244
Trunkline Number: (02) 8282 7483
Email Address:
ncr.quezoncjmd@bjmp.gov.ph
Bureau of Jail Management and Penology Office Links
Online Services
Downloads
Linked Agencies


