𝑸π‘ͺ𝑱-𝑴𝑫, π‘΅π’‚π’Œπ’Šπ’Šπ’”π’‚ 𝒔𝒂 π‘·π’‚π’ˆπ’ƒπ’–π’ƒπ’–π’Œπ’‚π’” π’π’ˆ π‘©π’–π’˜π’‚π’ π’π’ˆ π‘Ύπ’Šπ’Œπ’‚π’π’ˆ π‘·π’‚π’Žπ’ƒπ’‚π’π’”π’‚ πŸπŸŽπŸπŸ” πŸ‡΅πŸ‡­πŸ“š

Pormal na sinimulan ang programa sa pamamagitan ng isang Banal na Misa na pinamunuan ni Rev. Fr. Rey Hector Paglinawan, na sinundan naman ng isang taimtim na Pagbabasbas sa Puntod ni dating Pangulong Manuel L. Quezon, ang kinikilalang Ama ng Wikang Pambansa. Nakiisa rin sa pagdiriwang si Hon. Gian Carlo V Sotto, Bise Alkalde ng Lungsod Quezon, kasama ang iba pang mga dumalo sa pagbibigay-pugay sa pamana ni Pangulong Quezon at sa kahalagahan ng wikang Filipino.

BLOG POSTEVENTS

8/1/20261 min read

Pambansang Pang-alaalang Dambana ni Quezon, QC Memorial Circle - Bilang pagbibigay-pugay sa ating sariling wika, opisyal na nakibahagi ang Quezon City Jail-Male Dormitory sa ginanap na Pagbubukas ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026 at paggunita ika-82 na Anibersaryo ng Kamatayan ni Manuel L Quezon ng Lokal na Pamahalaan ng Siyudad ng Quezon ngayong ika-1 ng Agosto.

Pormal na sinimulan ang programa sa pamamagitan ng isang Banal na Misa na pinamunuan ni Rev. Fr. Rey Hector Paglinawan, na sinundan naman ng isang taimtim na Pagbabasbas sa Puntod ni dating Pangulong Manuel L. Quezon, ang kinikilalang Ama ng Wikang Pambansa. Nakiisa rin sa pagdiriwang si Hon. Gian Carlo V Sotto, Bise Alkalde ng Lungsod Quezon, kasama ang iba pang mga dumalo sa pagbibigay-pugay sa pamana ni Pangulong Quezon at sa kahalagahan ng wikang Filipino.

Tampok din sa nasabing gawain ang Bating Pagtanggap at mga inihandang mensahe para sa pagdiriwang. Ang aktibidad ay minarkahan ng isang madamdaming pagpupugay kay Pangulong Quezon at ang pormal na Ritwal na Pagbubukas ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026. Pinangunahan ni City Jail Warden JSUPT MARIA LOURDES P PACION ang naging pagdalo ng QCJ-MD sa nasabing pagtitipon.