βœ¨π‘Άπ’“π’šπ’†π’π’•π’‚π’”π’šπ’π’ 𝒔𝒂 π‘©π’‚π’“π’Šπ’”π’•π’‚ π‘Ίπ’Œπ’Šπ’π’π’” π‘»π’“π’‚π’Šπ’π’Šπ’π’ˆ β˜•

β˜• Ang bawat bagong kasanayan ay nagiging puhunan para sa mas maayos na kinabukasan.

BLOG POSTEVENTS

8/5/20261 min read

Sa patuloy na pamumuno ng City Jail Warden, JSUPT MARIA LOURDES P PACION, at sa pangunguna ng Welfare and Development Section, nagsagawa ang Quezon City Jail Male Dormitory, sa pakikipagtulungan sa Social Services Development Department (SSDD), ng Barista Skills Training Orientation para sa mga persons deprived of liberty (PDL).

Pinangunahan nina Ms Josephine Mostejo, Program Coordinator, at Ms Ann Grace Abling, Trainer, ang oryentasyon kung saan ipinakilala ang layunin ng programa at ang mga kasanayang matututunan ng mga kalahok. Layunin ng pagsasanay na mabigyan ang mga PDL ng dagdag na kaalaman at praktikal na kasanayan na maaari nilang magamit sa paghahanap ng hanapbuhay at pagsisimula ng bagong yugto ng kanilang buhay pagkalaya.

Ang bawat bagong kasanayan ay nagiging puhunan para sa mas maayos na kinabukasan.