π™Œπ˜Ύπ™…-π™ˆπ˜Ώ π™‰π™–π™ π™žπ™‘π™–π™π™€π™  𝙨𝙖 π˜½π™‘π™€π™€π™™ π˜Ώπ™€π™£π™–π™©π™žπ™€π™£ π˜Ώπ™§π™žπ™«π™š π™£π™œ π™ˆπ™–π™‘π™–π™—π™€π™£-π˜Ύπ™…πŸ©ΈπŸ€

Bumabagyo man, hindi ito naging hadlang upang maghatid ng pag-asa at makapagligtas ng buhay. Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga donors!

BLOG POSTEVENTS

8/7/20261 min read

Hindi naging hadlang ang masamang panahon upang maipagpatuloy ang diwa ng pagkakawanggawa at paglilingkod sa kapwa. Sa ilalim ng patuloy na pamumuno ni JSUPT MARIA LOURDES P PACION, Quezon City Jail Warden, nakiisa ang mga kawani ng QCJ-MD sa isinagawang blood donation drive ng Malabon City Jail, sa pangunguna ni JSUPT LUCKY O DIONISIO, Warden, Malabon City Jail Male Dormitory, katuwang ang Philippine Blood Center.

Sa kabila ng patuloy na pag-ulan at pananalasa ng bagyo, matagumpay na naisagawa ang programa kung saan boluntaryong nagbigay ng dugo ang mga kalahok upang makatulong sa mga nangangailangan. Muling pinatunayan ng mga donor na ang malasakit at bayanihan ay nananatiling buhay sa kabila ng anumang pagsubok.

Bumabagyo man, hindi ito naging hadlang upang maghatid ng pag-asa at makapagligtas ng buhay.

Taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga donors!