βœ¨π‘·π’‚π’ˆπ’•π’‚π’π’ˆπ’ˆπ’‚π’‘ π’π’ˆ 𝑷𝑾𝑫 𝑰𝑫 𝒂𝒕 π‘¨π’”π’”π’Šπ’”π’•π’Šπ’—π’† π‘«π’†π’—π’Šπ’„π’†π’” 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 𝑷𝑫𝑳 β™Ώ

β™Ώ Ang tamang tulong, kapag naibigay sa tamang panahon, ay malaking bagay sa bawat isa.

BLOG POSTEVENTS

8/14/20261 min read

Sa ilalim ng pamumuno ng City Jail Warden, JSUPT MARIA LOURDES P PACION, ipinagpatuloy ng Quezon City Jail Male Dormitory, sa pakikipagtulungan ng Quezon City Persons with Disability Affairs Office (PDAO), ang pagbibigay ng serbisyo para sa mga PDL na may kapansanan bilang bahagi ng paggunita sa 48th National Disability Rights Week.

May kabuuang 9 na PDL ang nakatanggap ng kanilang PWD Identification Card at booklet, habang 4 na PDL naman ang nabigyan ng mga assistive device, kabilang ang 3 saklay at 1 tungkod, upang makatulong sa kanilang pagkilos at pang-araw-araw na pangangailangan.

Sa patuloy na pagtutulungan ng QCJMD at PDAO, mas napapalapit sa mga PDL na may kapansanan ang mga serbisyong kailangan nila at nararapat nilang matanggap.

Ang tamang tulong, kapag naibigay sa tamang panahon, ay malaking bagay sa bawat isa.