BJMP Quezon City Jail - Male Dormitory
π€ππ-π π π‘πππ£ππππ’π§ π‘π π ππ‘π£π’πͺππ₯ ππ¦π¦ππ¦π§ππ‘ππ π¦π π¦πππ’πππ₯π¦ π’π π¦π¨π¦π§ππ‘ππ‘ππ (π¦π’π¦) π€
"Kaagapay sa Serbisyo: Bayanihan ng QCJMD at SOS para sa mas masaganang komunidad."
BLOG POSTEVENTS
8/21/20261 min read



Ika-20 ng Agosto, 2026 - Ang mga kawani ng Quezon City Jail β Male Dormitory, sa ilalim ng dinamikong pamumuno ng Punong Tagapamahala ng pasilidad na si JSUPT MARIA LOURDES P PACION, ay nagpaabot ng karagdagang manpower assistance sa warehouse ng Scholars of Sustenance (SOS) sa Caloocan City.
Aktibong nakiisa ang mga kawani sa mga pagsisikap para sa quality control sa pamamagitan ng pagsusuri at pag-iimpake ng mga de lata. Bukod dito, nagtulong-tulong ang mga kawani ng QCJMD sa paglilipat at pagbubuhat ng mga kahon ng mga de lata mula sa sasakyan tungo sa mga paleta ng pasilidad upang maprotektahan ang suplay sa banta ng pag-ulan at matiyak ang ligtas na pamamahagi nito sa mga benepisyaryo.
Lubos na sinusuportahan ng QCJ-MD ang magkatuwang na adbokasiya ng SOS na magkaloob ng mahalagang tulong sa komunidad sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga likas at organikong produkto sa lahat ng benepisyaryo sa buong bansa.
"Kaagapay sa Serbisyo: Bayanihan ng QCJMD at SOS para sa mas masaganang komunidad."






CONTACT US
Address
Payatas Road, Quezon City Metro Manila, Philippines
Contact #:
Records Unit: 09360514244
Trunkline Number: (02) 8282 7483
Email Address:
ncr.quezoncjmd@bjmp.gov.ph
Bureau of Jail Management and Penology Office Links
Online Services
Downloads
Linked Agencies


