BJMP Quezon City Jail - Male Dormitory
β¨ π·ππππππ ππ πͺπππππ π·ππππππ π€
π€ Ang paghingi ng kapatawaran ay hindi kabawasan ng pagkatao. Bawat isa ay may karapatan sa pangalawang pagkakataon. Maging handa lamang tahakin ng buong puso ang landas tungo sa pagbabago.
BLOG POSTEVENTS
8/24/20261 min read



Sa ilalim ng pamumuno ng City Jail Warden, JSUPT MARIA LOURDES P PACION, isinagawa ang Pathway to Change Program para sa mga lalaking PDL, na naglalayong magbigay ng kaalaman at gabay tungo sa mas maayos na pag-uugali at pakikitungo sa kapwa.
Pinangunahan ni Ms Janete Oviedo, Officer-in-Charge ng QC Protection Center, kasama sina Mr Rey De Guia, President ng MOVE Philippines, Mr Bryan Aquinto, Carlo Glenn Martinez Borlaza, President ng MOVE Laguna, Marie Concepcion RoΓ±o, at Maricon B Conde, Psychometrician ng QC Protection Center, ang mga talakayan tungkol sa Understanding Gender-Based Violence, VAWC, Healthy Masculinity, Communication Without Violence, at iba pang usaping may kaugnayan sa Gender and Development.
Sa pamamagitan ng programa, nabigyan ng kamalayan ang mga PDL tungkol sa iba't ibang batas at usaping may kaugnayan sa Gender and Development, at kung paano makatutulong ang tamang pag-unawa at pakikitungo sa pag-iwas sa karahasan.
Bilang bahagi ng suporta sa mga kalahok, naglaan din ang Quezon City Government ng pagkain, meryenda, at hygiene kits.
Ang paghingi ng kapatawaran ay hindi kabawasan ng pagkatao. Bawat isa ay may karapatan sa pangalawang pagkakataon. Maging handa lamang tahakin ng buong puso ang landas tungo sa pagbabago.






CONTACT US
Address
Payatas Road, Quezon City Metro Manila, Philippines
Contact #:
Records Unit: 09360514244
Trunkline Number: (02) 8282 7483
Email Address:
ncr.quezoncjmd@bjmp.gov.ph
Bureau of Jail Management and Penology Office Links
Online Services
Downloads
Linked Agencies


