π— π—”π—šπ—žπ—”π—§π—¨π—ͺπ—”π—‘π—š 𝗑𝗔 π—›π—”π—žπ—•π—”π—‘π—š π—‘π—š 𝗀𝗖𝗝-𝗠𝗗 𝗔𝗧 π——π—˜π—‘π—₯ 𝗣𝗔π—₯𝗔 𝗦𝗔 π—žπ—”π—£π—”π—žπ—”π—‘π—”π—‘ 𝗑𝗔 π—”π—§π—œπ—‘π—š π—žπ—”π—Ÿπ—œπ—žπ—”π—¦π—”π—‘ 🀝🌱🧹

Ang gawaing ito ay hindi lamang basta pagtatanim ng puno at paglilinis sa kapaligiran, kundi isang patuloy na kompromiso at konkretong hakbang ng QCJ-MD tungo sa pagtataguyod ng mas luntiang kapaligiran, mas matatag na ekosistema, at mas ligtas na kinabukasan para sa mga susunod na henerasyon.

BLOG POSTEVENTS

8/27/20262 min read

Ika-27 ng Agosto, 2026 - Bilang tugon sa panawagang pangalagaan ang ating kapaligiran at harapin ang mga hamon ng pagbabago ng klima, ang mga kawani ng Quezon City Jail – Male Dormitory sa ilalim ng pamunuan ni JSUPT MARIA LOURDES P PACION, Tagapamahala ng Piitang Panglungsod, ay nakiisa at nanguna sa isang makabuluhang inisyatibo ng Pagtatanim at Pagkalinga sa Kalikasan sa La Mesa Nursery, Novaliches, Quezon City.

Maaalalang sa mga nakalipas na matitinding bagyo at kalamidad, labis na naapektuhan at binaha ang mga pamayanang malapit sa baybayin at mga mababang lugar. Dahil dito, muling nagtungo ang mga kawani ng pasilidad upang suriin ang kalagayan ng mga pananim, palitan ang mga nasira, at magtanim ng mga panibagong punla na magsisilbing proteksyon at pananggalang ng komunidad laban sa mga pagbaha at pagguho ng lupa sa hinaharap.

Kaugnay nito, sama-samang nilinis at hinakot ng mga kawani ang mga makikitang tuyong mga sanga at dahon, gayundin ang mga plastik at mga bagay na di nabubulok sa kapaligiran ng nasabing lugar upang maiwasan ang mga sakuna at mga bagay na di kaaya-aya sa paningin.

Ang gawaing ito ay hindi lamang basta pagtatanim ng puno at paglilinis sa kapaligiran, kundi isang patuloy na kompromiso at konkretong hakbang ng QCJ-MD tungo sa pagtataguyod ng mas luntiang kapaligiran, mas matatag na ekosistema, at mas ligtas na kinabukasan para sa mga susunod na henerasyon.