๐‘ท๐‘จ๐‘ฎ๐‘ด๐‘จ๐‘ด๐‘จ๐‘ฏ๐‘จ๐‘ณ, ๐‘ท๐‘จ๐‘ฎ-๐‘จ๐‘บ๐‘จ ๐‘จ๐‘ป ๐‘ท๐‘จ๐‘ฎ๐‘ฒ๐‘ฐ๐‘ณ๐‘จ๐‘ณ๐‘จ: ๐‘ธ๐‘ช๐‘ฑ-๐‘ด๐‘ซ ๐‘ฐ๐‘ท๐‘ฐ๐‘ต๐‘จ๐‘ฎ๐‘ซ๐‘ฐ๐‘พ๐‘จ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘จ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ฒ๐‘จ๐‘จ๐‘น๐‘จ๐‘พ๐‘จ๐‘ต ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ด๐‘ฎ๐‘จ ๐‘ท๐‘ซ๐‘ณ ๐‘ท๐‘จ๐‘น๐‘จ ๐‘บ๐‘จ ๐‘ฉ๐‘ผ๐‘พ๐‘จ๐‘ต ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘จ๐‘ฎ๐‘ถ๐‘บ๐‘ป๐‘ถ 2026

Ang gawaing ito ay patunay sa paninindigan ng pamunuan: "No JUAN Left Behind, alaga at pag-asa para sa lahat." Ipinapakita nito na sa loob ng Quezon City Jail-Male Dormitory, ang bawat indibidwal ay mahalaga at may pagkakataong magsimula muli tungo sa mas maliwanag na kinabukasan. ๐ŸŽ‚๐ŸŽˆ๐ŸŽ

BLOG POSTEVENTS

8/28/20261 min read

Ngayong ika-28 ng Agosto, 2026, matagumpay na isinagawa ng Quezon City Jail-Male Dormitory ang isang masaya at makabuluhang pagdiriwang para sa mga person deprived of liberty (PDL) na nagdiwang at magdiriwang ng kanilang kaarawan sa buwan ng Agosto. Ang aktibidad na ito ay personal na pinangunahan ng Tagapamahala ng Piitang Panglungsod, JSUPT MARIA LOURDES P PACION, bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng makataong pangangalaga sa loob ng pasilidad.

Sa gitna ng pagiging malayo sa kanilang mga mahal sa buhay, ang mga birthday celebrants ay nakatanggap ng mga simpleng salo-salo mula sa pamunuan ng pasilidad. Ang simpleng gawaing ito ay nag-iwan ng malalim na kahulugan at nagpadama sa mga PDL na sila ay pinaliligiran ng malasakit, pagpapahalaga, at pagmamahal, mga bagay na nagbibigay ng init at lakas ng loob sa kabila ng kanilang pansamantalang kalagayan.

Ang gawaing ito ay patunay sa paninindigan ng pamunuan: "No JUAN Left Behind, alaga at pag-asa para sa lahat." Ipinapakita nito na sa loob ng Quezon City Jail-Male Dormitory, ang bawat indibidwal ay mahalaga at may pagkakataong magsimula muli tungo sa mas maliwanag na kinabukasan.