βœ¨π‘©π’‚π’π’‚π’ 𝒏𝒂 π‘΄π’Šπ’”π’‚ | π‘΄π’‚π’ˆπ’Šπ’π’ˆ π‘΄π’‚π’•π’‚π’ƒπ’‚π’π’ˆ 𝑳𝒖𝒑𝒂 𝒔𝒂 π‘Ίπ’‚π’π’Šπ’•π’‚ π’π’ˆ π‘«π’Šπ’šπ’π’” πŸ™

Kapag bukas ang puso sa Diyos, laging may pagkakataong mamunga ng kabutihan.

BLOG POSTEVENTS

7/24/20261 min read

Sa patuloy na pamumuno ng City Jail Warden, JSUPT MARIA LOURDES P PACION, idinaos ang Banal na Misa sa QCJMD Chapel na pinangunahan ni Rev. Fr. Eduardo Molina ng St. Padre Pio Parish, North Caloocan, kasama ang Caritas - Restorative Justice Ministry (RJM), Diocese of Novaliches.

Sa kanyang homiliya, ibinahagi ni Fr. Molina ang talinghaga tungkol sa mga binhing inihasik sa iba't ibang uri ng lupa. Ipinaalala niya na ang bawat isa ay tinatawag na maging matabang lupa na handang tumanggap at mamunga sa Salita ng Diyos. Gayunpaman, sinabi rin niya na kahit dumaraan tayo sa mga pagkakataong tila hindi tayo ang mabuting lupa, hindi tayo pinababayaan ng Panginoon. Patuloy Siyang gumagawa ng paraan upang maabot tayo ng Kanyang salita at biyaya, at binibigyan tayo ng pagkakataong magbago at lumago sa pananampalataya.

Naging sandali rin ang Banal na Misa upang muling mapalalim ang pananampalataya ng mga PDL at QCJMD personnel at paalalahanan silang manatiling bukas ang kanilang puso sa pagmamahal, paggabay, at pagpapala ng Diyos.

Kapag bukas ang puso sa Diyos, laging may pagkakataong mamunga ng kabutihan.