βœ¨π‘΅π’ 𝑱𝒖𝒂𝒏 𝑳𝒆𝒇𝒕 π‘©π’†π’‰π’Šπ’π’… | π‘·π’‚π’π’Šπ’ƒπ’‚π’ˆπ’π’π’ˆ π‘Ίπ’Šπ’Žπ’–π’π’‚ 𝒑𝒂𝒓𝒂 𝒔𝒂 π‘«π’‚π’•π’Šπ’π’ˆ 𝑷𝑫𝑳 🀝

🀝 Minsan, ang isang pagkakataon ay sapat para mabuksan ang pinto tungo sa panibagong buhay.

BLOG POSTEVENTSNO JUAN LEFT BEHIND

8/11/20262 min read

Sa ilalim ng pamumuno ng City Jail Warden, JSUPT MARIA LOURDES P PACION, nasaksihan ng Quezon City Jail Male Dormitory ang isang mahalagang hakbang sa ilalim ng No Juan Left Behind Program, matapos opisyal na magsimula sa trabaho ang dating PDL na si Severino Montallana II sa Park Inn by Radisson North EDSA.

Ito ang unang matagumpay na pagkakatanggap sa trabaho ng isang dating PDL sa pamamagitan ng patuloy na pagtutulungan ng BJMP, Quezon City Government, at Park Inn by Radisson North EDSA. Malugod na tinanggap ni Mr. Reycie Gutierrez, General Manager ng hotel, si Severino at binigyang-diin ang kahalagahan ng pagbibigay ng trabaho sa mga dating PDL upang makapagsimula silang muli at makabalik nang maayos sa komunidad.

Sa isinagawang aktibidad, binigyang-diin nina JCSUPT BABY NOEL P MONTALVO, Regional Director ng BJMP-NCR, at Hon. Josefina β€œJoy” Belmonte, Mayor ng Quezon City, na hindi dapat maging batayan ng kinabukasan ng isang tao ang kanyang nakaraan. Sa pamamagitan ng No Juan Left Behind Program, patuloy na lumilikha ang Quezon City Government ng mga pagkakataon upang matulungan ang mga dating PDL na maging sariling-kaya at produktibong bahagi ng komunidad.

Para kay Severino, ang araw na ito ay higit pa sa pagsisimula ng bagong trabaho. Ito ay pagkakataong makapagpatuloy, maging independent, at makapagsimula ng panibagong yugto ng kanyang buhay.

Minsan, ang isang pagkakataon ay sapat para mabuksan ang pinto tungo sa panibagong buhay.