✨ π‘·π’‚π’ˆπ’‘π’‚π’‘π’‚π’‰π’‚π’π’‚π’ˆπ’‚ 𝒔𝒂 π‘Ίπ’Šπ’ˆπ’‚π’˜ π’π’ˆ π‘·π’–π’ˆπ’‚π’… π‘³π’‚π’˜π’Šπ’ | πŸπŸ‘πŸŽπ’•π’‰ π‘¨π’π’Šπ’ƒπ’†π’“π’”π’‚π’“π’šπ’

Sa pag-alala sa ating kasaysayan, patuloy nating pinahahalagahan ang kalayaan at pananagutan sa bayan.

BLOG POSTEVENTS

8/24/20261 min read

Sa ilalim ng pamumuno ng City Jail Warden, JSUPT MARIA LOURDES P PACION, nakiisa ang mga kawani ng Quezon City Jail Male Dormitory sa paggunita sa ika-130 anibersaryo ng Sigaw ng Pugad Lawin na ginanap sa Barangay Bahay Toro.

Pinangunahan ni Mayor Josefina β€œJoy” Belmonte ang pag-aalay ng bulaklak bilang pag-alala sa mahalagang bahagi ng kasaysayan ng Rebolusyong Pilipino. Sa kanyang mensahe, binigyang-diin niya na ang tunay na kalayaan ay may kasamang kamalayan, paninindigan, at pagkukusang kumilos para sa kapwa at bayan.

Kasabay ng seremonya ang pagpapasinaya sa bagong ayos na Dambana ng Pugad Lawin at Interpretation Gallery, na nagtatampok sa mga obrang lilok ng mga Katipunero ni National Artist Napoleon Abueva, outdoor theater, at historical gallery tungkol sa kasaysayan ng Rebolusyong Pilipino.

Sa pag-alala sa ating kasaysayan, patuloy nating pinahahalagahan ang kalayaan at pananagutan sa bayan.