Sa QC, NO JUAN LEFT BEHIND. ๐Ÿ‘จ๐Ÿป

BLOG POSTNO JUAN LEFT BEHIND

12/11/20251 min read

Sa QC, NO JUAN LEFT BEHIND.

Kasunod ng matagumpay na "No Woman Left Behind" campaign natin para sa mga kababaihang nasa likod ng piitan sa QC Female Jail Dormitory, ay ating opisyal na ring inilunsad ang NO JUAN LEFT BEHIND โ€” ito ang ating kampanya para sa mga kalalakihang nasa likod ng piitan ng BJMP sa Payatas.

Sa ilalim ng kampanyang ito, makakatanggap ng mga sumusunod na serbisyo ang mga PDL:

  • Physical at Psychosocial Health Services

  • Livelihood Skills Training

  • Education Programs

Naniniwala si Mayor Joy Belmonte na hindi hadlang ang ating estado sa buhay para makatanggap ng de-kalidad na serbisyo, karapatan ng bawat mamamayan na maging parte ng ating mga programa, higit lalo ang mga PDL na madalas na nakakaligtaan. Ang NO JUAN LEFT BEHIND ay ang magsisilbing pangalawang pagkakataon nila upang maging handa sa panahon ng kanilang paglaya.